^

Metro

2 African tiklo sa pekeng passport

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 African tiklo sa pekeng passport
Kinilala ni BI port ­operations chief Atty. Carlos Capulong ang mga nasabat na sina Adraman Issa Mariam at ang babaeng si Halime Abba Souleymane, kapwa citizen ng Central African Republic of Chad.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang Africano makaraang ma­diskubre na gumagamit sila ng pekeng Canadian passports at nagpapakilalang mga Canadian citizens nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni BI port ­operations chief Atty. Carlos Capulong ang mga nasabat na sina Adraman Issa Mariam at ang babaeng si Halime Abba Souleymane, kapwa citizen ng Central African Republic of Chad.

Sa ulat, dumating sa NAIA Terminal 3 ang dalawa sakay ng isang Emirates flight mula sa Dubai.  Nang isailalim sa kumpirmasyon ang pagtungo nila sa bansa, nadiskubre ng mga immigration officials na peke ang bitbit nilang Canadian passports kaya hinarang ang pagpasok nila sa bansa.

“Apparently, they attempted to conceal their true nationality in the belief that they would be allowed entry into the country without being subjected to strict inspection by our officers.  They are wrong to assume that such documents can pass as legitimate,” saad ni Capulong.

Dito ipinag-utos ni BI Commissioner Norman Tansingco na ilagay sa blacklist ang dalawang dayuhan para hindi na sila makapagtangka pang pumasok ng bansa.

Nai-book naman ang dalawa sa pinakamaagang flight pabalik sa kanilang ‹port of origin›.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with