^

Metro

2 dayuhang nagpupuslit ng shabu sa kulungan, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabuko ang palihim na pagpupuslit ng ilegal na droga ng dalawang dayuhan sa mga bilanggong nakaditine sa Bureau of Immigration Warden’s Facility sa Taguig City nang masabat sa kanila ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naareseto na sina Robert Bo­ling Jr., 41, isang American citizen at si Kwon Hyeok Soo, 41, isa namang Korean national.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng mahigpit na inspeksyon ang acting warden ng BI Warden’s Facility makaraan ang mga ulat na patuloy na pagpapasok ng kontrabando sa naturang bilangguan kung saan nakaditine ang mga dayuhan na nadadakip ng mga awtoridad dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas.

Dakong alas-9:30 ng Lunes ng gabi nang masabat ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P204,000 na itinago sa dalang pagkain ng dalawang dayuhan. Nadiskubre ang ilegal na droga nang magpositibo ito sa pang-amoy ng K9 unit ng mga bantay.

Dahil dito, ipinatupad ang pag-aresto kina Boling at Kwon na ngayon ay nakaditine na rin sa naturang bilangguan. Ipinadala naman ang nasabat na mga ebidensya sa SPD Forensic Unit para sa kaukulang chemical analysis.

ROBERT BO­LING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with