^

Metro

Mga guro, biniyayaan ni Mayor Joy ng laptop

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga guro, biniyayaan ni Mayor Joy ng laptop
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa  ceremonial turnover ng karagdagang 1,000 laptops para sa public elementary at high school teachers, at 50 laptops para sa  child deve­lopment workers sa public daycare centers ng QC
Boy Santos

MANILA, Philippines — Karagdagang 1,000 unit ng laptop ang ipinamahagi ni ­Quezon City Mayor Joy ­Belmonte sa mga public school teachers at child deve­lopment workers bilang tulong  sa kanilang pangangailangan sa pagtuturo.

Mismong si Belmonte ang nanguna sa  ceremonial turnover ng karagdagang 1,000 laptops para sa public elementary at high school teachers, at 50 laptops para sa  child deve­lopment workers sa public daycare centers ng QC

“Sa Quezon City,  pinapahalagahan natin ang edukasyon kaya patuloy ang ating pagsuporta sa mga paaralan mula sa mga mag-aaral hanggang sa mga guro. Nakikipag-ugnayan din tayo sa SDO at SSDD para masiguro natin na sapat ang suporta na ­ibinibigay natin sa kanila,” pahayag ni Belmonte.

Ang 1,000 na laptop ay bukod pa sa 5,593 na laptop na una nang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan.

Binigyan din ni Belmonte ng libreng internet connectivity at monthly at quarterly allo­wances ang mga guro.

Bukod rito ay nakatanggap din ng mga service vehicles ang mga eskwelahan.

Pinaigting din ng lokal na pamahalaan ang capabi­lity ng daycare centers sa pamamagitan ng pagbibigay ng  96,440 storybooks sa mga estudyante pati na ang school supplies, hygiene kits, medical supplies, at food packs.

Simula nang mag-umpisa ang klase noong Agosto 22, namahagi na ang lokal na pamahalaan ng school supplies sa 450,000 na estud­yante at  SPED students.

Binigyan din ng mga tablets ang  Grades 4 hanggang 12 students sa public schools; 710,371 learning kits, 6,875,846 modules, at 430,438 hygiene kit.

JOY ­BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with