^

Metro

Walang fare matrix, walang taas singil sa pasahe - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Walang fare matrix, walang taas singil sa pasahe - LTFRB
Colorful traditional jeepneys along with their modernized versions wait for passengers at the corner of EDSA and Aurora Boulevard in Quezon City on Aug. 30, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng  Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator / drivers ng mga pampasaherong sasak­yan sa bansa lalo na sa Metro Manila na hindi maaring maningil ng taas pasahe hanggat walang nakapaskil na fare matrix.

Kaugnay ito sa pagsisimula ng taas pasahe nitong Lunes sa mga pampublikong sasakyan.

Kasabay nito sinabi pa ng LTFRB na nakabukas ang ahensiya para sa mga kukuha ng kopya ng kanilang fare matrix para makapaningil na ng dagdag pasahe sa mga pasahero.

Inihayag din ni  LTFRB Board Member Mercy Jane Paras-Leynes na umaabot pa lamang sa anim na porsyento ng target public utility vehicles (PUVs) ang nakakuha ng kopya ng updated fare matrix.

 “Ito pong fare matrix para sa effectivity nung bagong fare adjustment, mga six percent pa lang ang nabibigyan natin doon sa target nating 250,000 na mga PUVs,” sabi ni Paras-Leynes.

Sinabi pa nito na  magpapataw  ang LTFRB ng P5,000 multa para sa PUVs na hindi maglalagay ng kopya ng bagong fare matrix base sa Joint Administrative Order No. 2014-001.

Dahil sa mababang porsyento ng PUVs na hindi nakakuha ng updated fare matrix sa unang araw ng fare increase, sinabi ni Paras-Leynes  na inihanda ng LTFRB ang monitoring teams nito upang banta­yan ang PUVs. Nakipag-ugnayan na rin umano ang LTFRB sa operators upang tiyakin ang pagsunod ng kanilang PUVs.

Nanawagan ito sa mga commuters na ireklamo ang mga PUVs na  walang bagong fare matrix sa Facebook page at hotline 1342 ng LTFRB. Nabatid na P50  ang singil ng LTFRB para sa kopya ng updated fare matrix.

Unang inaprubahan ng LTFRB ang pagpapatupad ng  taas pasahe sa PUVs dahil sa epekto ng patuloy na taas ng halaga ng petroleum products.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with