^

Metro

Pole vaulter na si EJ Obiena, kinilala ng Manila LGU

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pole vaulter na si EJ Obiena, kinilala ng Manila LGU
Philippine's Ernest John Obiena reacts during the men's pole vault event during the ISTAF Berlin Internationales Stadionfest annual track and fields athletics meeting at the Olympic Stadium in Berlin on September 4, 2022.
TOBIAS SCHWARZ / AFP

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna ang isa sa mga top pole vaulters sa buong mundo na si Ernest John Obiena sa pagbisita niya sa siyudad nitong Lunes.

Unang dumalo si Obiena sa regular na flag raising ceremony kasama sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo-Nieto, gayundin ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Matapos nito, pinarangalan at kinilala ng lokal na pamahalaan ang mga achievement ni Obiena sa world athletics.

Pinagkalooban din siya ng lokal na pamahalaan ng P300,000 cash incentives dahil sa pagkapanalo ng 12 gold, dalawang silver, at tatlong bronze me­dals sa loob lamang ng walong buwan sa kanyang mga nilahukang European at Asian competitions.
“Alam nyo po hindi natin masukat ang karangalang dinala ni EJ sa ating bansa, lalung-lalo na po sa lungsod ng Maynila,” ayon kay Lacuna.

Naglabas din ang Manila City Council ng mga resolusyon upang kilalanin ang mga karangalang naiuwi ni Obiena para sa bansa.

EJ OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with