Bawas presyo sa petrolyo ngayong Martes
MANILA, Philippines — Mula ngayong Martes ay magpapatupad ulit ang mga oil compaies ng bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Ito na ang ikalimang beses na sunod na pagbababa sa presyo ng diesel at kerosene at ikalawang beses na sunod na rollback sa presyo ng gasolina.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc.
Magbababa sila ng halagang P0.45 kada litro sa presyo ng gasolina at diesel habang P0.85 ang rollback sa presyo ng kerosene.
Ganito rin ang ibababa ng Cleanfuel ay ganito rin ang halaga ng rollback pero walang baba presyo sa kerosene.
Ang oil price rollback ay epektibo alas-6 ng umaga ngayong Martes maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng oil price rollback ng alas-12:01 ng madaling araw.
Ang paggalaw ng presyuhan ng petrolyo sa world market ang ugat ng pagbaba ng halaga ng petroleum products sa bansa.
- Latest