^

Metro

2 drug suspects, timbog sa P840K marijuana

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspects ang inaresto ng mga tauhan ng Que­zon City Police District (QCPD) matapos na mahulihan ng P840,000 halaga ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat na natanggap ni QCPD Director, PBGEN Nicolas Torre III mula kay Novaliches Police Station (PS 4) commander PLTCOL Von June Nuyda, na­kilala ang mga suspek na sina Salvador Belesario, alyas Boss, 18, at Amador Grefal, alyas Nonoy, 21, kapwa residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 4 laban sa mga suspek, sa  Salvador Avenue, Jordan Plains Subdivision, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, matapos na makatanggap ng tip sa isang confidential informant hinggil sa kanilang ilegal na aktibidad.

Isang police poseur buyer ang nakabili ng P21,000 halaga ng marijuana mula sa mga suspek, kaya’t kaagad na silang inaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang aabot sa 7000 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P840,000, isang itim na bag, isang itim na dapple bag, at buy-bust money.

Ang mga suspek ay kapwa nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with