^

Metro

Kelot na hiniwalayan ng misis, sinunog ang sariling bahay sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagawa ng isang lalaki na sunugin ang kanyang sariling bahay kung saan nadamay pa ang ilan niyang kapitbahay dahil sa galit matapos na makipaghiwalay sa kanya ang misis, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Dahil dito may  11 pamilya o kabuuang 48 indibidwal na karamihan ay mga bata ang naapektuhan sa sunog, habang sugatan naman ang isang 38-anyos na residenteng si  Rayven Ison.

Ayon sa Taguig City Fire Station, nagsimula ang sunog dakong alas-9:14 ng gabi sa isang bahay sa Viscara Street, Purok 1, Barangay New Lower Bicutan. Tinatayang nasa P300,000.00 ang napinsalang ari-arian.

Sa pahayag ni Brgy. New Lower Bicutan Chairman Gregorio Franco Jr., agad sumuko sa barangay ang suspek na si alyas James na kasalukuyan pang iniimbestigahan matapos aminin na sinadya niya ang panununog.

Sakaling maisapinal na ang imbestigasyon ay posibleng kasuhan ng arson ang suspek na lasing nang isagawa ang pagsunog sa kaniyang kutson gamit ang lighter dahilan upang kumalat sa katabing bahay sa ikalawang palapag ng isang apartment.

Ayon pa sa nakalap na impormasyon, may pi­nagdaraanang problema si alyas James kabilang ang pag-iwan sa kaniya ng misis niya. May mga anak umano ito at masama ang loob sa mismong pamilya niya dahil sa mga naririnig na mga salita dahilan na rin ng kaniyang madalas na pag-inom ng alak.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with