^

Metro

Operator, 7 pa timbog sa online sabong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Operator, 7 pa timbog sa online sabong
Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang ‘online operator’ at pitong mananaya nang lusubin ang isang iligal na online sabong ­operation sa loob ng isang palengke sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jayvee Mingoy, 21, binata, online sabong operators at nakatira sa No. 1601 Int. 21, F. Varona St., Brgy 80, Zone 2, Tondo.

Nadakip din ang mga mananaya na sina Bobby Hernandez, 41; Alexis Banares, 40; Jose Quinto, 51; Rosauro Exconde, 54; Rene Petallo, 52; John John Tambaon, 41; at Jeng Pascual, 37. Karamihan sa kanila ay mga tindero at helper sa palengke na naaadik umano sa online sabong.

Sa ulat ng MPD-District Special Operations Unit, dakong alas-11 ng gabi nang kanilang salakayin ang isang puwesto ng iligal na online sabong sa loob ng Asuncion Public Market sa may Brgy. 1 Zone 1, District 1, Tondo nang magkasa sila ng SACLEO o ang Simulta­neous Anti-Criminality Law Enforcement Operation.

Dito nahuli sa akto ang mga suspek habang ­abalang-abala sa pagtaya sa ‘online sabong’ na ipinagbawal na ng pamahalaan. Nakumpiska sa kanila ang nasa P1,930 halaga ng taya at iba’t ibang online sabong paraphernalia.

Dinala sa MPD-DSOU office ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with