^

Metro

Beauty, spa treatment isasagawa sa mga babaeng preso sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isasailalim sa beauty at spa treatment ang mga matatandang preso bilang bahagi ng paggunita sa Elderly Filipino Week sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Jail Warden Supt. Maria Ignacia Monteron, may kabuuang 25 Senior Citizens na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang isasailalim sa treatment.

Tinipon ang mga nakatatandang PDLs sa activity area upang bigyan ng head to toe salon treatment gaya ng hairdressing, hair color, at nail care.

Pinangunahan ni Welfare and Development Section Chief SJO4 Concepcion Bacolod ang pangangasiwa sa nasabing proyekto.

Sinabi ni Warden Monteron, nais nilang ipakita sa publiko ang kahalagahan ng Senior Citizens bilang haligi ng ating lipunan.

Bukod sa treatment, tuluy-tuloy, ang pagbibigay ng serbisyong medical, dental, sikolohikal, educational, at social ng Quezon City Jail Female Dormitory katuwang ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ang Elderly Week Celebration ay ginaganap taun-taon mula Oktubre 1 hanggang 7.

SENIOR CITIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with