^

Metro

6-taon road closure ng Meralco Avenue, simula na bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6-taon road closure ng Meralco Avenue, simula na bukas
A tarpaulin is displayed along the intersection of Meralco Avenue and Doña Julia Vargas Avenue in Pasig City on Monday, announcing the road closure of the north and southbound portions of Meralco Avenue.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nakatakda nang isarado sa daloy ng trapiko ang kahabaan ng Meralco Avenue sa Ortigas, Pasig City simula bukas, Lunes, Oktubre 3.

Batay sa paabiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na epektibo ang pagsasara ng kalsada sa loob ng anim na taon o hanggang sa taong 2028.

Layunin nitong bigyang-daan ang konstraksyon ng isasagawang civil works para sa Ortigas at Shaw Boulevard Stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

Anang DOTr, masasakop ng road closure ang front section ng Capitol Commons hanggang sa kanto ng Shaw Boulevard.

Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng DOTr ang mga motorista na sundin ang traffic rerouting scheme na isasakatuparan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Alinsunod sa natu­rang iskima, ang mga public utility jeepneys (PUJs) na mula Me­ralco Avenue patu­ngong Shaw Boulevard ay ire-reroute sa Captain Henry Javier St. patu­ngong Danny Floro St. at pabalik habang ang mga modernized jeepneys naman na mula Meralco Avenue patu­ngong Shaw Boulevard ay ire-reroute sa Dona Julia Vargas Avenue patungong San Miguel Avenue at vice versa.

Ang mga UV Express Vehicles/Units na mula Meralco Avenue patu­ngong Shaw Boulevard ay ire-reroute sa Dona Julia Vargas Avenue patungong San Miguel Avenue o Anda Road hanggang sa Camino Verde habang ang mga pribadong sasakyan naman ay maaring dumaan sa alinmang available na ruta.

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with