^

Metro

Aktor na si Dominic Roco, 4 pa, huli sa drug-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Aktor na si Dominic Roco, 4 pa, huli sa drug-bust
Ang aktor na si Dominic Roco (gitna) at apat na kasamahan matapos madakip sa ikinasang drug-bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng pulisya ang aktor na si Dominic Roco at apat na iba pa sa isang buy-bust operation na ikinasa sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Nicolas Torre III, bukod kay Roco, na anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco, naaresto rin  ang mga kasama  nito na sina Reynaldo Sanchez, 45; Eugene Marvin Tolentino, 27; Renz Anthony Cruz, 33; at Dexie Diamante, 21.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong ala-1:20 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14) sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap umano ang mga awtoridad ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon.

Nang magpositibo ang transaksiyon ay kaagad nang dinakip ang mga suspek at binitbit sa piitan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P112,000 halaga ng hinihinalang shabu, P14,000 halaga ng mga pinatuyong dahon ng marijuana o “kush”, timbangan at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with