^

Metro

Local disaster assistance, palawakin sa mga bata, solo parents – Vargas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Local disaster assistance, palawakin sa mga bata, solo parents � Vargas
Rep. Alfred Vargas (5th district Quezon City) speaks at a year-end gathering as shown in a photo.
Alfred Vargas via Facebook

MANILA, Philippines — Nais ni Quezon City Councilor Alfred Vargas na bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga bata at mga solo parent tuwing may kalamidad at emergencies.

“Our local governments have been at the forefront of providing immediate aid to vulnerable sectors of our communities during times of calamities. Kasama sa sektor na ito ang mga bata at mga solo parent. Dahil sa kanilang sitwasyon, dapat tingnan natin kung ano pang mga benepisyo ang maaaring ibigay sa kanila,” ayon kay Vargas.

Sinabi ni Vargas ng kailangan ng mga bata ng special care lalo na kapag kasama sila sa mga direktang nasalanta ng kalamidad. Bukod sa basic necessities, kailangan din umano ng mga batang nakaranas ng trauma ng counseling.

Ang mga solo parent naman ay kailangan ng dagdag ng tulong para makaahon sa epekto ng ka­lamidad. Ilan sa pwedeng tulong ay pagkain, gamot, at financial aid para magpaayos ng kanilang mga bahay na nasalanta, dagdag pa ni Vargas.

Sa panukalang “Rapid Assistance Program for Disaster Victims Ordinance of Quezon City,” nais ni Vargas na gawing bahagi ng isang komprehensibong plano ang mga programa at serbisyo ng Quezon City government para mga nasalanta ng mga kalamidad.

“Nakita natin sa mga nagdaang super-typhoon, mga lindol, at iba pang sakuna ang kahalagahan ng mga well-instituted at well-funded disaster assistance programs. Maraming buhay ang maliligtas at mapapaginhawa natin sa mabilisang pagresponde sa mga trahedya,” dagdag ni Vargas.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with