^

Metro

Miyembro ng ‘Nicko gun- running syndicate’, timbog 

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang pinaghihinalaang mi­yembro ng isang gunrunning syndicate na nag-oope­rate sa  Metro Manila at karatig lalawigan ng Bulacan makaraan itong masakote sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group Northern Field Unit (CIDG-NFU) Chief P/Lt. Col. Nicanor Ladesma III ang nahuling suspect na si Nico Bonabon, 30, ng Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan.

Bandang  alas-6:30 ng gabi, ayon kay Ledesma ng ikasa ang buy-bust operation sa bahagi ng  C3 Road, Brgy. 21 laban sa target na suspect.

Hindi na nakapalag sa mga operatiba ang suspect  matapos itong dakpin sa aktong tinatanggap ang pera mula sa isang undercover agent ng pulisya kapalit ng isang cal. 22 revolver na may anim na bala.

Sa intelligence report na nakalap ng National Capital Region-Criminal Investigation Unit (NCR-CIDU), si Bonabon ay kinilala bilang miyembro ng bagong organisadong sindikatong kriminal na binansagang ‘Nicko Gun-running Group’.

Nahaharap ngayon ang suspect sa kasong kriminal habang patuloy namang pinaghahanap ang mga kasamahan nito sa sindikato.

CIDG-NFU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with