^

Metro

TF binuo sa Quezon City para protektahan ang mga kabataan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuo ng Quezon City government ang “Task Force Sampaguita” upang bigyang proteksyon ang mga menor-de-edad laban sa forced labor at exploitation.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nilikha ang task force  o ang QC Interagency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Laborers upang pangalagaan ang mga kabataan na nalalagay sa panganib ang buhay dahil sa forced labor at exploitation na dumagsa sa mga commercial thoroughfares sa QC na nagbebenta ng sampaguita.

Base sa joint surveillance activity ng QC Public Employment Service Office (PESO) at Social Services Development Department (SSDD) sa Tomas Morato,

kapansin-pansin umano ang pagdami ng batang nagtitinda ng sampaguita sa mga lansangan.

Napansin din aniya ng kanilang hanay na karamihan sa mga batang ito ay galing sa ibang local government units.

“Dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang ilang kabataan na ilaan ang kanilang oras sa pagtatrabaho imbes na sa pag-aaral. Narito ang pamahalaang lungsod para alalayan at suportahan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t-ibang tulong at serbisyo,” pahayag ni Belmonte.

Si Belmonte ang magsisilbing chairman ng Task Force habang si Public Employment Service Office (PESO) Head Rogelio Reyes ang Co-chairperson at Social Services Development Department (SSDD) Head Fe Macale ang Vice-chairperson.

Sa ngayon, tinutulu­ngan na ng task force ang pamilya ng mga street children maging ang mga solo parents para makakuha ng QCitizen IDs.

Mayroon ding livelihood assistance, educational assistance for children-at-risk, Parent Effectiveness Service (PES) for parents na tulong ang lokal na pamahalaan.

PESO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with