^

Metro

63 dayuhang POGO workers nasagip

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
63 dayuhang POGO workers nasagip
Sa operasyon sa Mun­tinlupa, nasa 34 ka­tao kabilang ang isang Malaysian national ang nasagip sa ikinasang ope­rasyon sa Alabang, Muntinlupa City, noong Miyerkules ng gabi.
AFP

Sa operasyon sa Muntinlupa at Parañaque

MANILA, Philippines — Nasa 63 dayuhang workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nasagip ng mga awtoridad sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Muntinlupa at Parañaque.

Sa operasyon sa Mun­tinlupa, nasa 34 ka­tao kabilang ang isang Malaysian national ang nasagip sa ikinasang ope­rasyon sa Alabang, Muntinlupa City, noong Miyerkules ng gabi.

Samantala, arestado naman ang Chinese na amo ng mga ito na nakilalang si Qian Jing, 35.

Ikinasa ang operas­yon ng pinagsanib na pwersa ng Malaysian Royal Police (Police Attaché’), District Special Operations Unit (DSOU), District Intelligence Division (DID), District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District at Muntinlupa City Police Station, kung saan matagumpay na nasagip si Soh Teck Koung, 25-anyos at 33 iba pang empleyado.

Nabatid na ang Malaysian national ay tumawag sa kaniyang ina sa Malaysia upang magpasaklolo hinggil sa hindi pagpapasuweldo ng amo, hindi pinapayagang lumabas ng gusali at paulit-ulit na pagbabanta ng suspek na huwag magsusumbong sa mga awtoridad.

Nakipag-ugnayan ang Malaysian authorities sa Pinas kaya inihanda ang operasyon at nasagip ang mga ito.

Sa beripikasyon, ang nasabing kumpanya ay hindi nakapagpakita ng Business Permit mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Muntinlupa City. Nahaharap sa kasong Serious Illegal Detention ang naarestong suspek.

Samantala, sa isa pang operasyon sa Parañaque nasa 29 ding dayuhang POGO workers ang nailigtas.

Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Director Police Major General Eliseo DC Cruz, ang mga naligtas ay binubuo ng 23 Myanmar nationals at 6 na Chinese.

Lumilitaw na nailigtas ang mga POGO workers alas-5:30 kamakalawa ng hapon, mula sa isang bahay sa Concord Village, Tambo, Parañaque kung saan sila ikinulong ng kanilang POGO employer.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with