^

Metro

COVID-19 hospital admissions tumaas sa 6 na lugar sa NCR

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 hospital admissions tumaas sa 6 na lugar sa NCR
Tinukoy ni Vergeire ang mga lugar na ito na ang Pasig City, Muntinlupa City, Malabon City, Makati City, Navotas City at Caloocan City.
The STAR / Michael Varcas

Rehiyon balik sa ‘moderate risk’

MANILA, Philippines — Anim na lugar sa National Capital Region (NCR) ang nagkaroon ng pagtaas sa admisyon ng mga pasyenteng may COVID-19 sa mga ospital, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Tinukoy ni Vergeire ang mga lugar na ito na ang Pasig City, Muntinlupa City, Malabon City, Makati City, Navotas City at Caloocan City.

Dahil dito, nailagay muli ang Metro Manila sa ‘mode­rate risk’ na nangangahulugan na higit sa 50% ngunit mas mababa sa 70% ang hospitalization rate.

Dahil dito, nakipagpulong na ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para matugunan ang naturang pangyayari.  Napag-usapan dito na ilipat na ang mga pasyente na mayroong ‘asymptomatic at mild’ na sintomas para mapaluwag ang COVID-19 wards.

Nitong Miyerkules, nakapagtala ang NCR ng 13,984 bagong kaso sa bansa.  Dahil dito, nasa 7,446 beds sa bansa ang okupado ng mga pasyente habang nasa 21,210 pa rin ang bakante.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na nananatiling nasa ‘minimum level’ ang mga ‘severe at critical’ na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nabatid pa sa DOH, may average na 2,334 arawang kaso ang buong bansa mula Set­yembre 22 hanggang 28. Mas mataas ito ng 2% kumpara sa nakalipas na linggo at 7% kumpara sa nakalipas na dalawang linggo.
“So ‘pag tinignan po natin unti-unting tumataas, NCR now is at moderate risk dahil 13 out of 17 cities and lone municipality in NCR ay nasa moderate risk din ngayon,” saad ni Vergeire.

Sa kabila nito, lahat ng lugar sa bansa ay patuloy na mayroong hospitalization rates na mas mababa sa 50%.

Dagdag pa ni Vergeire, ilan sa mga tinitingnan nilang mga dahilan nang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit ay ang pagtaas ng mobility o kilos ng mga tao dahil sa pagbubukas ng mga paaralan, ang hindi pagpapabakuna, ang pagkabigong tumalima sa health protocols at ang mas maluwag na panuntunan sa pagsusuot ng face mask.

vuukle comment

COVID-19

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with