^

Metro

Pagtaas sa singil sa tubig nakaamba - MWSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagtaas sa singil sa tubig nakaamba - MWSS
Sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, may  impact sa singil sa tubig ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar .
The STAR / File

MANILA, Philippines — Pinangangambahan ng  Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magkaroon ng pagtaas sa  singil sa tubig sa Metro Manila sa susunod na taon dahil sa naging pagbaba ng halaga ng piso sa nagdaang mga araw.

Sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, may  impact sa singil sa tubig ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar .

“That will have an effect in the rates this coming January 1, 2023, so yes, it will have an effect definitely, but we will try our best to minimize or at least spread this increase through the next five years, so ‘yun ang balak natin na hindi ho sana mabigla ang ating consumers” sabi ni Ty.

Patuloy sa pagbaba ang halaga ng piso laban sa dolyar sa nagdaang limang araw. Ang palit ng 1 US dollar nitong Martes ay P58.99.

Noong November 2021, inaprubahan ng MWSS ang pagtatanggal sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) mula sa bills ng mga customer ng Manila Water Company Inc. At  Maynilad Water Service Inc., at nai-convert ito sa “transitory adjustment.”

Ang FCDA ay isang quarterly-reviewed tariff mechanism na pinapayagan ang mga  concessionaires ay makarekober mula sa kanilang lugi o magkaroon ng back gains mula sa galaw ng piso kontra dolyar.

“What we are doing right now, since there’s a revised concession agreement (RCA) that’s coming up, once that RCA is effective, then there will be no more FCDA. Sinama na namin sa rate rebasing para hindi na po every quarter nag-a-adjust ngayon at hinihintay na lang nating matapos ang rate rebasing,”  paliwanag pa ni Ty.

MWSS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with