^

Metro

Firewall gumuho, obrero dedo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Firewall gumuho, obrero dedo
Tinangka pa ng mga doktor ng Ospital ng Maynila na isalba ang biktimang si Jeson Tulin, 21, ngunit binawian din siya ng buhay dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang cons­truction worker nang mabagsakan siya ng gumuhong firewall sa loob ng isang construction site sa Malate, Maynila nitong Martes ng hapon.

Tinangka pa ng mga doktor ng Ospital ng Maynila na isalba ang biktimang si Jeson Tulin, 21, ngunit binawian din siya ng buhay dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)- Ho­micide Section, dakong alas-3:00 ng hapon ng Martes nang maganap ang insidente sa loob ng construction site na pinagtatrabahuhan ng biktima sa Quirino ­Avenue, kanto ng Asuncion St. sa Malate.

Kasalukuyan umanong abala sa pagtatrabaho ang biktima, kasama sina Gerry Maunes, 48; at Billy Joe Morely, safety offi­cer,  nang bigla na lang bumagsak ang firewall ng katabing lote sa loob ng construction site.

Hindi nakaiwas ang biktima at tuluyan siyang nabagsakan ng mga debris.  Mabilis naman siyang nasaklolohan ng mga kasamahan at isinugod sa ospital ngunit tuluyan din siyang nasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang may pananagutan sa naturang insidente at sa posibleng pagsasampa ng kaso.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with