^

Metro

Lalaki todas sa resbak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lalaki todas sa resbak
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Fernando Brucelo, Jr., Brgy. NBBS Navotas City,  sanhi ng tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdidb.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 43-anyos na lalaki nang resbakan at barilin ng truck helper  na matagal na niyang  kaaway, kamakalawa ng  gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Fernando Brucelo, Jr., Brgy. NBBS Navotas City,  sanhi ng tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdidb.

Nadakip naman ng mga tauhan ng Malabon  City Police  Sub-Station 5 sa follow operation ang suspek na si Jomel Cerbito, 28, ng  Brgy. Longos, Malabon  City.

Tinutugis naman ang kanyang kasabwat na si JR Mungkoy, 28,  ng  Caloocan City.

Naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi sa Parking Lot sa Block 11, Hiwas St. Brgy. Longos.

Unang nakitang nagtatalo ang biktima at suspek habang naglalakad sa isang eskinita sa Block 11. Pagsapit sa nasabing parking lot ay doon na binaril ng suspek sa likod ang biktima.

Ani Barot, positibong kinilala ang suspek ng isang saksi at sinabing matagal nang alitan ang motibo ng pamamaslang kay  Brucelo.

Sasampahan ng kaukulang kaso sa piskalya si Cerbito.

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with