^

Metro

5 minors nailigtas sa human trafficking

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang suspek na sangkot umano sa human trafficking habang limang menor-de-edad ang nasagip ng mga ope­ratiba ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) sa Taguig City.

Kinilala ang mga suspek at nagsilbing facilitator sa produksyon ng child sexual at exploitative materials na sina Elisa Manansala Navales at Laura Lee May Pascual.

Ayon sa NBI, nagbigay ng impormasyon ang  City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Taguig kaugnay sa mga minor na umano’y biktima ng online sexual exploitation.

Pinadadala umano ang mga sexual videos ng mga suspek sa mga dayuhang kostumer sa pamamagitan online kapalit ng bayad.

Nagkasa ng operasyon ang  NBI-Counter Terrorism Division (c-CTD), DOJ-IACAT, at Social Workers ng Taguig City, bitbit ang dalawang  Warrants to Search, Seize and ­Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu  ng RTC Branch 271 ng Ta­guig City sa isang bahay sa Sta.Ana, Taguig City nitong Setyembre 20 kung saan naaresto ang mga suspek.

Kakasuhan ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022) at Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation of Materials Act ang mga suspek.

Nakitaan din ng illegal drug paraphernalia sa bahay ni Navales. Isinailalim siya sa pagsusuri at nagpositibo sa ilegal na droga kaya sasampahan din siya ng hiwalay na kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with