^

Metro

2 patay sa pamamaril sa Forbes Park

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 patay sa pamamaril sa Forbes Park
Narekober sa kaniya ang isang kalibre .40 baril na may dalawang magazine at 15 bala.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi sa naganap na pamamaril ng isang family driver na hinihinalang lango sa alak sa loob ng Forbes Park sa Makati City, Lunes ng gabi.

Inisyal na kinilala ng Makati City Police Station ang mga nasawi na sina Jay-Ar Tomenio, isang family security at si Eugene Sitjar, isa ring family driver.

Naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Julius Cortez,.

Narekober sa kaniya ang isang kalibre .40 baril na may dalawang magazine at 15 bala.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng isang bahay sa Narra Street, South Forbes Park Village, sa natu­rang siyudad.

Ayon sa mga saksi na sina Bernard Sa­quing, isang kasambahay at Jomar Sol, security, lango umano sa alak ang suspek na naghahanap ng plato sa kusina.

Maya-maya pa, nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril at nang kanilang tunguhin ang pinagmulan ay tu­mambad ang duguang mga biktima habang tumalilis ng takas  ang suspek.

Alas-9:20 na ng gabi nang makares­ponde ang mga tauhan ng Ayala Police Sub Station sa lugar ng krimen na agad nilang kinordon.

Dakong alas-7:50 nitong Martes ng umaga nang madakip ng mga tauhan ng Police Substation 5 at SWAT ang suspek sa may Lumbang Gate ng Dasmariñas Village sa Makati City, sa tulong ng duty guard dito.

Isinasailalim na siya ngayon sa imbestigasyon at nakatakdang sampahan ng kaukulang mga kaso.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with