^

Metro

24 dayuhang babae nasagip sa human trafficking

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
24 dayuhang babae nasagip sa human trafficking
Naaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station sa operasyon ang dalawang suspek na Chinese national na sina Du Wei at Fang Zeng.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang 24 na dayuhang babae na umano’y ibinibenta ng isang sindikato sa kanilang sex at human trafficking scheme, sa ginawang pagsalakay sa tatlong condominium units sa Parañaque City nitong Lunes ng gabi.

Naaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station sa operasyon ang dalawang suspek na Chinese national na sina Du Wei at Fang Zeng.

Nasa kustodiya na ng Women’s and Children’s Police Desk ang mga 10 babaeng Tsino at 14 na babaeng Vietnamese na isinasailalim ngayon sa berepikasyon ng kanilang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang kanilang salakayin ang tatlong unit ng isang condominium building sa may Brgy. Tambo, Parañaque City.  Ito ay makaraan na makatanggap ng intelligence report na isang grupo ng dayuhang babae ang ikinukulong at biktima ng human trafficking ang naispatan sa lugar.

Kasama ang mga tauhan ng DSWD, nilusob ng mga pulis ang tatlong condominium units na nagresulta sa pagkakasagip sa mga babae at pagkakaaresto sa dalawang Tsino na nagbaban­tay sa lugar.

vuukle comment

SPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with