^

Metro

Las Piñas LGU, ginawang modelo ng Isang bayan sa Surigao del Sur

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas kay Lingig , Surigao del Sur Mayor Elmer Evangelio at sa mga miyembro ng kanyang administrasyon sa pagkilala sa lungsod bilang isang halimbawa at pag-adopt sa mga gawain na ipinapatupad para sa isang progresibong siyudad.

Namangha si Mayor Evangelio nang bumisita sa Las Piñas sa hospitality ng mag-inang tandem nina City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar.

Sa panahon ng benchmarking success sa The Excelsior Hotel noong Biyernes, Setyembre  23, iniharap ng lokal na pamahalaan ang apat na Ks program ng lungsod.

Para sa Kalusugan, may green card program na ipinamamahagi sa mga residente ng lungsod upang makatulong sa kanilang pagpapaospital, magsagawa ng ‘medical vaccination’ at libreng operasyon ng katarata.

Sa programang Kalusugan, kinilala ng Department of Health (DOH) ang Las Piñas dahil sa mahusay nitong pagganap sa paglampas sa 96 porsiyentong target kung saan umabot sa 106 porsiyento ang bilang ng mga nabakunahang bata.

Sa ilalim ng Kalinisan program, ipinatutupad ng Las Piñas ang clean and green program at ang tamang pagtatapon ng solid waste management upang ma­panatili ang kalinisan ng lungsod.

Nakamit din ang Las Piñas ng Safe City Award noong Agosto 9 batay sa mahusay na pagganap ng lokal na pulisya na ginawa ang lungsod na may pinakamaliit na bilang ng krimen habang  may pinakamataas na bilang ng mga naarestong suspek ang naitala.

Sinabi ni Mayor Aguilar na ang Safe City Award ay nasa ilalim ng Kaayusan program na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod sa tulong ng lokal na pulisya.

Dagdag pa rito na sa ilalim ng programang Kaalaman, itinuturo ng pamahalaang lungsod ang pagsasaka upang itaguyod ang napapanatiling kabuhayan at isang mahalagang mapagkukunan ng pagkain para  sa kalusugan ng mga residente.

vuukle comment

ELMER EVANGELIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with