^

Metro

2 huli sa P600K marijuana 

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang lalaki makaraang masabat sa kanila  ang tinatayang P600,000 halaga ng marijuana sa isang operasyon nitong Lunes ng hapon sa Makati City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Edseleto Montilla, alyas Bentot, 24, at Ralph Banaag, alyas Beb, 23.

Sa ulat ng Makati City Police Station, dakong alas-3:40 nang magkasa ang mga tauhan ng kanilang Station Drug Enforcement Unit at Intelligence Section ng buy-bust sa may Water Lily Street sa Brgy. Rizal, sa natu­rang lungsod.

Hindi na nakapalag ang dalawang suspek nang sunggaban sila ng mga pulis sa gitna ng transaksyon.  Nasabat sa kanila ang apat na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na nababalot sa plastik at may timbang na limang kilo.

Narekober din ng mga pulis ang P1,000 marked money at P31,000 halaga ng boodle money na ginamit sa operasyon at magiging ebidensya sa korte.

Nakaditine na ang dalawang suspek sa Makati City Police Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

EDSELETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with