^

Metro

Bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, halos dumoble

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, halos dumoble
Stranded commuters wait for alternative public transport along Rizal Avenue in Manila following the early closure of the LRT line 1 in anticipation of the possible heavy rain and wind brought by Super Typhoon Karding on Sept. 25, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtaas ng mga bagong kaso ng CO­VID-19 sa National Capital Region (NCR) makaraang magkapagtala ng 1,600 bagong impeksyon nitong Linggo, Setyembre 25, ayon sa OCTA Research Group.

Ang naturang numero ay mas mataas sa peak na 1,502 kaso noong Agos­to 7, saad pa ni OCTA fellow Dr. Guido David.
Tumaas din ang ‘one-week growth rate’ sa Metro Manila sa 25% nitong Setyembre 25 na halos doble ng 13% noong Setyembre 18.

Maging ang ‘reproduction number’ ay tumaas din sa 1.30 nitong Setyembre 22 mula sa 1.21 noong Setyembre 15. Umakyat din ang ‘7-day positivity rate’ sa 18.5% nitong Setyembre 24 mula sa 15.7% noong Setyembre 17.

Sa kabila nito, nananatili naman na nasa ‘low level’ ang healthcare utilization sa rehiyon na nangangahulugan na karamihan sa dinadapuan ng virus ay ‘asymptomatic’ o ‘mild’ lamang ang mga sintomas.

Inaasahan naman ng OCTA na magtutuloy ang pagtaas ng mga kaso, ngunit hindi naman binanggit kung posibleng ito ay dahil sa pagluluwag sa panuntunan sa paggamit ng face mask sa outdoors.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with