^

Metro

Standing passengers sa PUVs, ok na sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Standing passengers sa PUVs, ok na sa LTFRB
Commuters don face masks on while waiting for available public transport along Taft Avenue in Manila on Sept. 12, 2022 as President Ferdinand Marcos Jr. approves an executive order allowing the voluntary wearing of face masks in outdoor settings as recommended by the IATF.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  na may mga  standing passengers sa loob ng ilang Public Utility Vehicle (PUV) na bumibiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 2022-070 ng LTFRB, tanging sa mga Public Utility Bus (PUB) at Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) Class 2 lamang  papayagan na magkaroon ng pasaherong nakatayo alinsunod sa mga  kundisyong tulad ng Low-Entry/Low Floor PUB na nasa 15 ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan

Ang ikalawang kundisyon ay  coach-type PUB - nasa sampu (10) ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan   at sa MPUJ Class 2 ay may  lima (5) ang maximum na standing passenger ang papayagan, one-person apart ang pagitan.Ang polisiyang ito ay alinsunod sa utos ng Department of Transportation (DOTr) ay upang magamit nang husto ang mga espasyo sa mga sumusunod na pampublikong sasakyan nang hindi labag sa public health safety protocols.

Gayunman, istriko pa rin ang pagpapatupad ng minimum public health safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinapaalala ng LTFRB sa mga PUV driver at operator na laging sundin ang mga polisiya at alituntunin ng ahensya kundi ay  papatawan ng karampatang parusa ­alinsunod sa mga kundisyon ng kanilang Certificate of Public Convenience (CPC) at Joint Administrative Order 2014-01. 

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with