^

Metro

600 pamilyang inilikas sa Maynila, nakauwi na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
600 pamilyang inilikas sa Maynila, nakauwi na
People sit in tents at an evacuation center in Baseco, Manila as Typhoon Noru approaches the Philippines on Sept. 25, 2022.
AFP/Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Nagsibalikan na sa kani-kanilang bahay ang higit sa 600 pamilya na nakatira sa malapit sa baybayin ng Manila Bay na inilikas ng lokal na pamahalaan dahil sa panganib na dulot ng bagyong ‘Karding’.

“As per Mayor [Honey] Lacuna, ‘yung mga taga Isla Puting Bato, nagsimula na po sila umuwi kanina. ‘Yung sa iba po, i think by this time pwede na po sila umuwi. Pina-monitor lang po ni Mayora na wala na po mga gutter deep flood sa areas nila,” ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng alkalde.

Nasa kabuuang 653 pamilya o 2,598 indibiduwal ang inilikas sa iba’t ibang evacuation centers sa siyudad simula nitong Linggo bago pa tuluyang humagupit ang bagyo.

Alas-2:15 ng madaling araw, nasa 210 pamilya ang dinala sa Baseco Evacuation Center; 58 pamilya sa Benigno Aquino Elementary School; 85 sa Corazon Aquino High School; 17 sa Atienza High School; 70 sa Barangay 101 Co­vered Court; 74 sa Isabelo Delos Reyes Elementary School; 63 sa Barangay 105 Co­vered Court; 128 sa Barangay 128, Building 18; at 66 sa Fugoso (Delpan) Covered Court.

Binigyan naman ng food packs ng lokal na pamahalaan ang mga inilikas na pamilya sa mga evacuation centers.

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with