^

Metro

Nasa 1K residente sa CAMANAVA area nananatili sa evacuation centers

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 965 indibiduwal sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area ang  nananatili pa rin sa  mga evacuations centers.

Sa Caloocan, maagang naghanda ng makakain ang City Social Welfare Department para sa 142 indibiduwal na nasa mga evacuation centers tulad ng Malaria Covered court,  Brgy. 175, Phase 10 Kalayaan Elementary School, Phase 4 Brgy. 176 covered court at Pangarap Brgy 181 covered court.

Patuloy din ang clearing operations ng  City Environment and  Management Department sa mga debris, natumbang puno at  mga creek.

Personal ding ininspeksiyon ni Caloocan City Mayor Along Malapitan ang Tullahan River sa kasagsagan ng bagyong Karding.

Namahagi rin  ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng mainit na pagkain sa mga evacuees, kahapon ng umaga sa 443 na indibi­duwal at 107 na pamilya ang kabuuang bilang ng mga naiwan sa evacuation cen­ters sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Pinawi naman ni Ma­yor Jeannie Sandoval ang pangamba ng  mga residente sa pagsasabing ibibigay nila ang kailangang ayuda ng mga naapektuhan at inilikas.

Nasa  380 indibidwal na naiwan sa Valenzuela National High ayon sa pinakahuling ulat ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng lungsod.

Samantala nilinis na ng Clean and Green employees ang evacuation sites at kal­ye sa lungsod kasunod ng bagyo.

Sa Navotas, nag-uwian na ang 414 mga pamilyang nasa evacuation centers. Imomonitor naman sila ng kanilang mga barangay officials upang maipadala ang kailangang ayuda.

CAMANAVA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with