^

Metro

DepEd order sa automatic suspension ng klase, epektibo na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DepEd order sa automatic suspension ng klase, epektibo na
High school student after their morning class head home while afternoon class remain suspended due to bad weather condition at Concepcion high school in Marikina on Tuesday (September 20, 2022).
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Naglabas na ng bagong guidelines ang Department of Education (DepEd) sa automatic suspension ng klase at trabaho sa mga pampublikong paaralan na nasa ilalim ng anumang public storm signals.

Base sa revised DepEd Order (DO) 37, na ni­lagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kamakailan, sa panahon ng bagyo, ang in-person at online classes, gayundin ang trabaho at Alternative Learning System (ALS) sa public schools, ay otomatikong suspendido sa mga lugar na isinailalim ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) 1, 2, 3, 4, o 5.

Nakasaad din sa naturang department order ang class at work suspension sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan na inisyuhan ng PAGASA ng Orange o Red Rainfall Warning, at maging ng Flood Warning at ng iba pang kalamidad gaya ng lindol.

Anang DepEd, maaari rin namang magdesisyon ang mga local chief executives sa class suspensions kung ang kanilang nasasakupan ay nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning, gayundin kung malakas ang ulan sa kanilang lugar at nagkakaroon ng mga pagbaha, kahit pa hindi sila kasama sa inisyuhan ng rainfall at flood warning ng PAGASA, gayundin ng storm signals.

Nang i-upload ang naturang DO 37 sa social media accounts ng DepEd ay nagkaroon ng kalituhan dito matapos magkaroon kaagad ng suspensiyon ng klase kinabukasan dahil sa nakataas na rainfall warning sa Metro Manila.

Nilinaw naman ng DepEd na hindi pa epektibo ang naturang DO dahil wala pa itong wet signature mula sa Office of the National Administrative Registrar (ONAR).

Kaagad ring tinanggal ng DepEd ang kopya nito sa kanilang website at social media account.

Nitong Linggo, nilinaw ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na epektibo na ang DO 37 dahil muli na itong ini-upload sa kanilang website at social media pages, at naihain na rin sa ONAR noong Setyembre 20, 2022.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with