^

Metro

‘Bugaw’ ng mga menor-de-edad, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Bugaw� ng mga menor-de-edad, arestado
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Nicolas Torre III ang naarestong suspek na si Joahanna Ericka Managuite, 30, ng Lower Everlasting, Payatas A, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang babaeng sangkot sa umano’y human traffic­king ang naaresto sa isang operasyon sa Quezon City kamakalawa ng gabi, na nag­resulta rin sa pagkakasagip sa limang menor-de-edad, na umano’y ibinubugaw nito.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Nicolas Torre III ang naarestong suspek na si Joahanna Ericka Managuite, 30, ng Lower Everlasting, Payatas A, Quezon City.

Si Managuite ay naaresto ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) at District Women and Children Concern Section (DWCCS) sa isang joint operation dakong alas-6:45 ng gabi sa tapat ng isang motel sa Kalayaan Avenue, Brgy. Diliman, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang mga tauhan ng DSOU at DWCCS mula sa isang confidential informant hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek, na sinasabing sangkot sa prostitusyon sa pamamagitan ng online booking.

Upang maberipika ang ulat, isang tauhan ng DSOU ang nagpanggap na kos­tumer at nagpa-book sa pamamagitan ng messenger ni Managuite para sa anim na babae, sa halagang tig-P2,500 bawat isa.

Nagkasundo ang undercover cop at ang suspek na magkikita sa tapat ng natu­rang motel.

Kaagad namang pinosasan ng mga pulis ang suspek nang ihatid ang mga babae sa kanilang meeting place at tanggapin ang buy-bust money, habang nasagip din ang limang menor na babae, na kasama nito.

“Nagpapasalamat ako sa ating kapulisan sa mabilis nilang aksyon upang mahuli ang salarin para matigil na ang ganitong gawain na nagdudulot ng pang-aabuso sa ating kababaihan,” saad naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with