^

Metro

Miyembro ng ‘Erwin drug syndicate, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabitag ng mga elemento ng pulisya ang isang pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na Erwin drug group habang mahigit P300,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang naarestong suspect na si Michael Panogan, 34, ng Brgy. San Roque, Navotas City.

Bandang alas-12:50 ng madaling araw, ayon sa opisyal ng masakote si Panogan  ng mga elemento ng  District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) sa buy- bust operation sa Gen San Miguel St., corner Buklod ng Nayon St., Barangay 8, Caloocan City.

Bago ito, isinailalim sa masusing surveillance ­operation ng mga awtoridad ang suspect matapos na makatanggap ng report hinggil sa ilegal nitong aktibidades sa aktibong pagtutulak ng droga.

Nakumpiska mula  sa suspect ang humigi’t kumulang sa  50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?340,000.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with