^

Metro

PWD ID, gawing permanente ang validity - Vargas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PWD ID, gawing permanente ang validity - Vargas
Sa pagsulong ng mga patakaran, da­pat anyang isaalang-alang ng mga LGUs ang ikagagaan ng pasanin ng ating mga kababa­yan na may kapansanan.
Photo by Charles on Unsplash

MANILA, Philippines — Hinimok ni Quezon City Councilor Alfred Vargas ang mga local government units (LGUs) na gawing lifetime o panghabang buhay ang validity ng mga ID ng persons with di­sability (PWD) na may permanente o pangma­tagalang kapansanan.

Ayon kay Vargas, hindi dapat ipagkait sa nasabing mga PWD ang mga benepisyong ibinibigay sa kanila ng batas dahil lamang sa hindi nila na-renew and kanilang mga ID card.

Dahil dito, naghain ng ordinansa ang konsehal na maaaring ga­wing halimbawa ng iba pang bayan at lungsod.

“Ang pagkakait ng mga benepisyong ito dahil sa expired PWD ID cards ay hindi ayon sa diwa ng Magna Carta for Persons with Di­sability at iba pang mga batas na nagpapalawig sa mga benepisyo at pribilehiyo ng mga may kapansanan,” pahayag ni Vargas.

Sa pagsulong ng mga patakaran, da­pat anyang isaalang-alang ng mga LGUs ang ikagagaan ng pasanin ng ating mga kababa­yan na may kapansanan.

Sinabi ni Vargas na habang nauunawaan niya na ang paglalagay ng validity period ay isang safeguard para tiyakin na tanging mga kwalipikado lamang na residente ang makakakuha ng benepisyo, may mga kapansanan na ayon naman sa siyensya at medisina ay hindi nawawala o nababago sa loob ng validity period ng mga PWD card.

Sa panukalang ordinansa ni Vargas, ang City Health Department ay kokonsulta rin sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) upang gumawa ng listahan ng mga may kapansanan na maitutu­ring na permanente o pangmatagalan.

“Bilang panguna­hing may akda ng ordinansang nagtatag ng PDAO sa lungsod, patuloy nating inaa­lagaan ang kapakanan ng mga PWDs.

Ang panukalang gawing permanente ang PWD ID vali­dity para sa ibang kapan­sanan ay bahagi ng ating adbokasiya para sa karapatan ng ating kapwang may kapansanan,” sabi pa ni Vargas.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with