Higit 50 pamilya nasunugan sa Pasay
MANILA, Philippines — Mahigit sa 50 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog na sumiklab sa Barangay 113 sa Pasay City, Huwebes ng gabi.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Pasay City, nagsimula ang sunog bago mag-alas-7:00 ng gabi sa Dimasalang St. Umakyat sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas-7:30 ng gabi bago naideklarang fire-out alas -8:15 ng gabi.
Nasa siyam na BFP fire trucks at 30 volunteers fire truck ang rumesponde.
Pawang light materials ang mga nadamay na bahay na sinasabing pawang paupahan.
Hanggang nitong Biyernes ng hapon ay hindi pa natutukoy ng arson investigator ang sanhi ng sunog.
Walang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.
- Latest