^

Metro

Basketball coach nagpaputok ng baril sa liga: 1patay, 2 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang coach ng basketball team makaraang magpaputok ng baril sa gitna ng liga na nagresulta ng pagkakasawi ng isang lalaki at pagkasugat pa ng dalawa, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Joseph Ariola, 40, negosyante, at nakatira sa Ugbo Street, Brgy. 96, Tondo. Nahaharap siya ngayon sa kasong homicide sa Manila City Prosecutor’s Office.

Nasawi habang gi­nagamot sa Tondo Me­dical Center ang 24-an­yos na si John Mathew Del Pilar, ng Simon Extension, Brgy. 103, Tondo.

Ginagamot naman sa nabanggit na pa­gamutan sina Johansel Austria, 18, na tinamaan ng bala sa kanang bahagi ng katawan; at si Andrea Enciso, 17, da­laga, nadaplisan naman ng bala sa katawan.

Sa paunang ulat ng Manila Police District-Raxabago Police Station, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Pumping Covered Basketball Court sa Brgy. 137 Balut, Tondo kung saan isang liga ang nagaganap sa pagitan ng koponan ng suspek at kabilang team.

Nagkainitan ang laro nang magkasakitan at magkahamunan ng away. Dito pumagitna si Ariola hanggang sa maging siya ay maitulak rin ng isa sa manlalaro ng kabilang koponan.

Dito naglabas ng baril si Ariola at walang habas na nagpaputok dahilan para tamaan ng bala ang tatlong manonood, na mabilis na naisugod sa nabanggit na pagamutan.

vuukle comment

BASKETBALL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with