^

Metro

Metro Manila mayors nanindigan sa NCAP

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila mayors nanindigan sa NCAP
Ganito na kabigat ang nararanasang trapiko sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Cubao, ­Quezon City hindi pa man nagbubukas ang klase. Dahil nga rito ay nagsimula na uling manghuli ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga motoristang lumalabag sa number coding.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nanindigan ang mga alkalde sa Metro Manila na panatilihin ang no contact apprehension program (NCAP) sa kabila ng mga nakahaing petisyon sa Korte Suprema para ito sus­pindihin sa pamamagitan ng temporary ­restraining order (TRO).

Sa kanilang joint statement, nangako rin ang mga alkalde na patuloy na pagbubutihin ang imprastraktura at kondisyon ng kalsada para sa mas ligtas na kapaligiran para sa kanilang mga nasasakupan.

“We, the undersigned Local Chief Executives, have joined together on a common stance to continue the implementation of NCAP within our ­respective territorial jurisdictions,” ayon sa mga alkalde,

Giit nila, sa pagpapatupad ng NCAP ay hindi kailanman binalewala ang tamang proseso para sa mga motorista dahil ang mga lokal na pamahalaan ay may kanilang traffic adjudication boards kung saan ang mga motorista ay maaaring tumutol at magprotesta sa kanilang mga paglabag.

Ang mga alkalde na nagkaisa sa NCAP ay kinabibilangan nina ­Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, Pa­rañaque City Mayor Eric Olivarez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Manila Mayor Maria Sheila Lacuna, at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Magugunitang hiniling ng transport groups sa Korte Suprema na maglabas ng TRO laban sa mga lokal na ordinansa na may kaugnayan sa NCAP sa limang lungsod sa National Capital Region.

Sinabi ni SC spokesperson Brian Hosaka na ang petisyon ay inihain laban sa Lungsod ng Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Parañaque City, Muntinlupa City, at Land Transportation Office (LTO).

Una nang nanawagan si LTO chief Teofilo Guadiz III sa mga kinauukulang alkalde na pag-usapan kasama ang LTO at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para gumawa ng ‘uniform guidelines’para sa patakaran.

Tinutulan naman ng ilang mayor ang panukalang pagsuspinde ng NCAP.

Isa sa aspetong mainit na pinagtalunan sa polisiya ay ang pagbabayad ng multa kung saan ang mga rehistradong may-ari ng mga sasakyan ang siyang pinagbabayad sa mga paglabag ng kanilang mga driver.

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with