^

Metro

Grade 1 pupil hulog sa school building, kritikal

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inoobserbahan pa rin ang kondisyon ng isang Grade 1 pupil na aksidenteng nahulog mula sa ika-apat na palapag ng school building sa Navotas City, kamakalawa.

Batay sa imbestigas­yon ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), dakong alas-2:30 ng hapon noong Miyerkules ng maganap ang aksidente sa San Rafael Village Elementary School.

Nakita ng security guard at utility personnel ng paaralan sa ground floor ang 7-anyos na biktima.

Mabilis na isinugod sa Tondo Medical Hospital ang biktima at ngayon ay sumasailalim sa pagsusuri ng mga doktor.

Ayon kay Michael Daco, principal ng naturang paaralan, pinaiimbestigahan na nila ang insidente upang malaman kung bakit naroroon sa 4th floor ang biktima.

Aalamin din kung ang biktima ay naglalaro o kung may kasama nang mangyari ang aksidente.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with