^

Metro

23,000 pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes

Doris Franche, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
23,000 pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga  pulis ay itatalaga  bilang police assistance desk malapit sa mga school campus sa iba’t ibang panig ng bansa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Aabot sa 23,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP)  ang kanilang ikakalat sa buong bansa para sa pagbibigay seguridad sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto  22.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga  pulis ay itatalaga  bilang police assistance desk malapit sa mga school campus sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr.,  na inatasan na  niya ang lahat ng  police units sa buong bansa na simulan na ang  pagpapatupad ng security measures upang matiyak ang seguridad  ng mga guro at estudyante sa face-to- face classes sa Lunes.

Nagpalabas na rin sila ng  memorandum para sa isasagawang strategic deployment ng kanilang  mga pulis sa iba’t ibang paaralan, unibersidad  at transportation terminals.

Sa naturang bilang  9,500 dito ang ikakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO chief Police Brigadier General Jonnel Estomo,  makikipagpulong siya  sa  mga unit commanders upang maisaayos ang sistema ng pagbibigay ng seguridad at peace and order  sa  pagsisimula ng  klase sa Lunes, Agosto 22.

Aniya, magkakaroon ng augmentation ng mga pulis sa mga  paaralan at unibersidad upang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga estudyante laban sa pagkidnap, snatching at holdap.

Dagdag pa ni  Estomo paiigtingin din niya ang random checkpoints at police visibility sa Kalakhang Maynila.

Malaking tulong ang police visibility  sa pagbaba ng krimen.

Umaasa siyang susuportahan ng mga local government units ang kanilang isinasagawang security mea­sures sa Metro Manila.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with