^

Metro

Kelot utas sa tarak ng ka-live-in

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kelot utas sa tarak ng ka-live-in
Hindi na umabot ng buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Emilio Paras Jr., ma­ngangalakal, at nakatira sa Onyx St., Brgy. 775, San Andres Bukid. Nadakip naman agad ang suspek na si Lilia Paberecio, alyas Laling, 37.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Patay ang isang 48-taong gulang na lalaki makaraang tarakan  ng kutsilyo sa dibdib ng kaniyang live-in partner  sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa San Andres Bukid, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Emilio Paras Jr., ma­ngangalakal, at nakatira sa Onyx St., Brgy. 775, San Andres Bukid. Nadakip naman agad ang suspek na si Lilia Paberecio, alyas Laling, 37.

Sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 775, kung saan narinig ang mainitang pagtatalo ng magkarelasyon.
Sa salaysalay ni Emily Hismana, kapatid ng biktima, narinig niyang nag-aaway ang dalawa kaya nagpasya siyang pasukin ito sa kanilang kuwarto para umawat.

Dito niya nakita na duguan ang kapatid na si Paras dahil sa saksak sa dibdib.

Agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Hisman at dinala ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na naisalba ang kaniyang buhay.

Inaresto naman ng mga rumespondeng barangay tanod si Paberecio habang narekober din ang kutsilyo na ginamit niya sa pananaksak. Pinag-aaralan pa ng pulisya ang kasong ihahain laban sa suspek sa Manila City Prosecutors Office.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with