^

Metro

Lalaki tumalon sa riles ng LRT, naputulan ng paa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lalaki tumalon sa riles ng LRT, naputulan ng paa
Ang naputol na paa ng isang lalaki na tumalon sa riles ng LRT-1 sa Caloocan.
Caloocan City police chief Col. Samuel Mina Jr.

MANILA, Philippines — Putol ang kanang paa ng isang lalaki na sinasabing nagtangkang magpakamatay matapos tumalon sa train platform ng Light RailTransit Line 1 (LRT-1)  kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Sa report na nakarating sa opisina ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, Jr., nakilala ang biktimang si Georick John Labrador San Juan ng   Central Street, Parada Santa Maria, Bulacan.

Lumilitaw na sinabayan ni San Juan ang pagtalon sa riles sa paparating na tren na minamaneho ni Silverio Ayat na patungong Balintawak.

Dahil dito, naputol ang kanang paa ng biktima nang ma-sideswipe ng tren .

Ayon kay Caloocan police homicide investigator P/SSgt. Julius Mabasa, agad na isinugod ang biktima ng rumespondeng Caloocan City Rescue Team sa Jose Reyes Memorial and Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat siya sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ito kasalukuyang naka-confined sa Intensive Care Unit (ICU) matapos magamot.

Bahagya ring natigil ang operasyon ng  LRT Line 1 mula R. Papa Station hanggang Balintawak Station at naibalik din dakong  alas-6:20 ng umaga matapos makuha ni nurse Joy Villados ng LifeLine 16911 ang naputol na paa ng biktima mula sa rail track.  - Mer Layson

LRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with