^

Metro

Nawawalang binatilyo natagpuang patay sa malalim na hukay sa EDSA

Pilipino Star Ngayon
Nawawalang binatilyo natagpuang patay sa malalim na hukay sa EDSA
Ang biktima ay nakilalang si Raniel Riano, 16, at residente sa naturang lugar.
PSN/File

MANILA, Philippines — Isang binatilyo, na may ilang araw nang nawawala, ang natagpuang patay sa loob ng malalim ng hukay sa isang construction site sa center island ng EDSA, Quezon City kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Raniel Riano, 16, at residente sa naturang lugar.

Sa pahayag ng ina ng biktima, apat na araw nang nawawala ang kanyang anak at hindi nila alam kung saan ito nagpunta.

Gayunman, kahapon ng umaga ay napansin umano niya ang tsinelas ng biktima sa tabi ng naturang hukay na  matatagpuan sa construction site, sa center island ng EDSA North Avenue.

Nang silipin ay dito na nakita ang bangkay ng biktima na nangangamoy na, kaya’t kaagad na inireport sa mga awtoridad.

Mag-aalas-4:00 na lamang ng hapon nang maiahon ng mga tauhan ng Special Rescue Unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang bangkay ng biktima, matapos ang apat na ulit na pagtatangka.

Hinala naman ng ina ng biktima na inatake ng epilepsy ang anak kaya’t nahulog sa hukay.

Ayon naman sa mga awtoridad, nagmistulang balon ang hukay dahil sa rami ng tubig bunsod ng mga pag-ulan.

Ginawa rin umano itong paliguan at hugasan ng kamay ng mga palaboy kaya’t natanggal ang net na nakaharang doon.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

EDSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with