^

Metro

P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P20 milyong shabu nasamsam ng PNP, PDEA
Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang mga nasakoteng suspects na sina Jhon Lester Manipol, 24 at Jerome Labita, 20.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umiskor ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang big-time drug traffickers kung saan nasamsam sa kanila ang nasa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng  mahigit P20 milyon sa isinagawang drugs operation sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang mga nasakoteng suspects na sina Jhon Lester Manipol, 24 at Jerome Labita, 20.

Sinabi ni Azurin na bago ang operasyon ay isinailalim muna sa masusing surveillance operations ang mga suspect matapos na makatanggap ng report sa aktibong pagtutulak ng mga ito ng shabu.

Inihayag ng opisyal na ang operasyon ay isinagawa ng iba’t-ibang police units sa Quezon City, National Capital Region Police Office (NCRPO)at National Headquarters sa Camp Crame katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa isang lugar sa Quezon City.

Hindi na nakapalag ang mga target matapos ang mga itong kumagat sa anti-illegal drug operations ng mga awtoridad.

“The established connection among the operatives made it easier for them to work together. We aim to continue this smooth workflow in our future operations,” pahayag ni Azurin.

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-illegal drug operations ng pulisya sa iba’t-ibang dako ng bansa.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with