^

Metro

Mayor Joy, ginawaran ng ‘Gabriela Silang of the First Order Award ‘

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginawaran si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng ­‘Gabriela Silang of the First Order Award’ at idinekla­rang  “Adopted Daughter” ng Vigan City.

Ang parangal kay ­Belmonte ay nakasaad sa Resolution No. 51 - 2022 ng City Council ng Vigan.

Batay sa resolusyon, ang hakbang ay bilang pagpapahayag nang pasasalamat sa diwa ng bayanihan at natatanging kontribusyon ng Quezon City Government sa pangunguna ni Mayor ­Belmonte para sa Vigan.

Nakasaad sa resolus­yon ang mabilis na paghahatid ng tulong ng Quezon City sa mga residente ng Vigan City na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol  ka­makailan.

Ang ‘Gabriela Silang of the First Order Award ay parangal na pinagkakaloob sa mga natatanging kababaihan at sa asawa ng  pinuno ng estado.

Ang nagdaang recipient nito ay si Ginang Aurora Quezon, asawa ni dating Pa­ngulong Manuel Quezon.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with