^

Metro

Amerikanong pedophile, inaresto ng BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Amerikanong pedophile, inaresto ng BI
In this photo, a man is handcuffed for arrest.
Flickr/BMN Network

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Las Piñas City ang isang American national na wanted sa kaniyang bansa dahil sa mga kaso ng pang-aabusong sekswal sa kaniyang mga menor-de-edad na biktima.

Kinilala ni BI OIC Commissioner Rogelio D. Gevero, Jr. ang suspek na si Tye Braxton Stiger, 35, na inaresto sa tinutuluyan niyang bahay sa Diego Cera Avenue sa Las Piñas nitong nakarang Sabado.

Armado ng mission order mula kay Gevero, nang arestuhin ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit si Stiger.
Base sa rekord, may outstanding warrant of arrest si Stiger na inilabas ng City of Jonesville sa Hillsdale Country, Michigan nitong nakaraang Hulyo lamang ukol sa 35 bilang ng kaso ng ‘child pornography’.

Nag-volunteer umano si Stiger bilang Sunday school teacher sa mga ‘church communities’ sa Michigan, ngunit dito niya sinamantala ang pambibiktima sa mga bata niyang estudyante sa loob ng anim na taon.

Ini-rekord umano ni Sti­ger ang mga bata sa pagkakabit ng dose-dosenang ‘hidden cameras’ sa iba’t ibang lokasyon.

“Arresting these criminals has always been a priority of our agency, and getting another predator off our streets means we are protecting our kababayan from harm,” saad ni Gevero.

Ayon pa sa BI, isa sa prayoridad nila ang deportasyon ng mga ‘alien sex offenders’ na nagtatago sa bansa upang hindi mabiktima ang mga kabataang Pilipino sa tinagurian nilang mga ‘sex predators’.

PEDOPHILE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with