^

Metro

Graduate students, guardians ‘di kasali sa libreng sakay - LRTA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Graduate students, guardians âdi kasali sa libreng sakay - LRTA
Ayon kay Cabrera, sa kanilang pagtaya ay aabot sa hanggang 25,000 estudyante kada araw ang sasakay ng LRT-2 sa pagbubukas ng klase.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Light Rail Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na hindi kasama ang mga graduate school students at mga guar­dians ng mga estudyante, sa ma­aaring mag-avail ng libreng sakay ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ang paglilinaw ay ginawa ni Cabrera kasunod na rin nang nakatakda nang pagpapatupad ng Libreng Sakay ng LRT-2 para sa mga estudyante simula sa Agosto 22, Lunes, na siya ring unang araw ng klase sa bansa.

Ayon kay Cabrera, sa kanilang pagtaya ay aabot sa hanggang 25,000 estudyante kada araw ang sasakay ng LRT-2 sa pagbubukas ng klase.

Tiniyak naman niyang handang-handa na sila para dito.

Aniya pa, maaaring i-avail ng mga naturang estudyante ang kanilang libreng sakay mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022.

Gayunman, ito’y mula Lunes lamang hanggang Sabado at hindi kasama ang mga araw na walang pasok, gaya ng araw ng Linggo at holidays.

Pagsapit naman aniya ng Nobyembre 6 ay ibabalik nila ang ipinagkakaloob na 20% fare discount para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disability (PWDs).

Kinakailangan lamang aniya ng mga estudyante na ipakita ang kanilang school ID at orihinal na enrollment form sa passenger assistance booth upang mabigyan sila ng single journey ticket para sa libreng sakay.

LIGHT RAIL AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with