^

Metro

Panibagong rollback sa presyo ng petrolyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Panibagong rollback sa presyo ng petrolyo
Sa advisory ng Chevron Philippines, babawasan nila ang kanilang pump prices ng mga produktong gasolina  ng P0.10 sa kada litro, diesel ng P1.05 kada litro at kerosene ng P0.45 centavos kada litro epektibo alas-12:01 ng umaga ng Agosto 16.
KJ Rosales / File

MANILA, Philippines — Nag-anunsyo ang mga kompanya ng langis ng panibagong rollback sa presyo ng petrolyo ngayong Martes.

Ito na ang  ika-8 sunod na linggo na pagbaba sa presyo ng sa diesel at ika-7 sa gasolina. 

Sa advisory ng Chevron Philippines, babawasan nila ang kanilang pump prices ng mga produktong gasolina  ng P0.10 sa kada litro, diesel ng P1.05 kada litro at kerosene ng P0.45 centavos kada litro epektibo alas-12:01 ng umaga ng Agosto 16.

Ang Petron Corporation at Pilipinas Shell, kasama ang Seaoil Philippines at Flyin V ay nag-anunsyo rin ng kani-kanilang pump price adjustments sa magkatulad na halaga at sa parehong oras na pagpapatupad ng Chevron.

Ang PTT Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Jetti Oil ay nag-anunsyo rin ng parehong rollback ng presyo sa kanilang mga produktong gasolina at diesel sa alas-6:00 ng umaga ng Martes habang wala naman silang rollback sa kerosene.

Gayundin ang presyong itatapyas ng Clean Fuel na magkakabisa sa ganap na alas-8:01 ng umaga ng Martes.

Ayon sa energy sources industry, ang pagtaas ng produksyon ng langis at pagbaba ng mga presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ng langis, gayundin ang mas mababang demand ng langis sa US, ay nagdulot ng panibagong rollback ng presyo sa mga produktong petrolyo.

OIL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with