^

Metro

Online casino agent huli sa illegal drugs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang online casino agent makaraan itong makumpiskahan ng mahigit sa P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Valenzuela kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/LT Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police ang naarestong suspect na si Niño Nicanor Faustino Jr, 42,  residente ng  P. Faustino St., Brgy., Punturin sa nasabing siyudad.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy- bust operation ang SDEU operatives sa pangungun ni P/Lt. Aguirre sa tahanan ng suspect sa nasabing lugar matapos namang makatanggap ng  impormasyon hinggil sa talamak nitong pagbebenta ng illegal na droga.

Isang undercover operative ng pulisya ang nagawang makipagtransaksyon sa suspect sa halagang P7,500  ng droga.

 Ang suspect ay inaresto  ng mga operatiba sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Hindi na nakapalag ang suspect na nakumpiskahan pa ng limang  sachets  ng humigi’t kumulang 23 gramo ng  shabu na may katumbas na halagang P156,400.

 Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang nasakoteng suspect.

 

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with