^

Metro

COVID-19 weekly positivity rate sa NCR, bumaba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 weekly positivity rate sa NCR, bumaba
Shoppers are reminded to wear their facemasks properly and follow health protocols in Divisoria on August 14, 2022.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nakitaan ng OCTA Research Group nang pagbaba ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila nitong ikalawang linggo ng Agosto.

Batay sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David, ng OCTA sa kanyang Twitter account nitong Linggo, nabatid na ang weekly positivity rate ng National Capital Region (NCR) ay bumaba na sa 16.4% hanggang noong Agosto 12.

Ayon kay David, ito ay pagbaba mula sa dating 17.5% weekly positi­vity rate na naitala noong Agosto 6 lamang.

Sinabi ni David na ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumaba ang lingguhang positivity rate ng COVID-19 sa kasalukuyang wave nito.

Aniya, ito ay nagbibigay sa kanila ng optimismo na ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ay umabot na sa peak o rurok nito.

“The NCR weekly positivity rate decreased to 16.4% as of August 12 from 17.5% as of August 6,” ayon kay David.

Ipinakita pa ni David sa naturang datos na mula noong Mayo 15-22, 2022 hanggang unang linggo ng Agosto ay unti-unting tumataas ang weekly COVID-19 positivity rate ay nakitaan lamang ito ng pagbaba sa ikalawang linggo ng Agosto o mula Agosto 7-12, 2022.

“This is the first time in the current wave the weekly positivity rate decreased, and it gives us optimism that cases in the NCR may have already peaked. #COVID19,” pahayag pa niya.

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with