^

Metro

LRT-2, ready na sa free ride ng mga estudyante

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-2, ready na sa free ride ng mga estudyante
The LRT-2 Antipolo station starts its operations on July 5, 2021 as part of the East Extension project in Antipolo City.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ready na ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na magbigay ng libreng sakay sa mga estudyante na magbabalik-eskwela na sa Agosto 22, alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera, sa kanilang pagtaya ay aabot sa hanggang 25,000 estudyante kada araw ang mag-a-avail ng libreng sakay ng LRT-2.

Maaari aniyang i-avail ng mga estudyante ang kanilang free train ride program mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022.

Gayunman, mula Lunes hanggang Sabado lamang aniya ito at hindi kasama ang mga araw na walang pasok, kabilang ang Linggo at holidays.

Kinakailangan lamang aniya ng mga estudyante na ipakita ang kanilang school ID at orihinal na enrollment form sa passenger assistance booth upang mabigyan sila ng single journey ticket para sa libreng sakay.

Nilinaw rin naman ni Cabrera na hindi kasama sa naturang programa ang mga nasa graduate school at guardians ng mga estudyante.

Tiniyak naman ni Cabrera na sa pagtatapos ng libreng sakay o pagsapit ng Nobyembre 6 ay ibabalik naman nila ang ipinagkakaloob na 20% fare discount para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disability (PWDs).

LRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with