^

Metro

1.5 miliyon naging jobless sa pagkawala ng e-sabong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki umano ang naging epekto ng pagkawala ng e-sabong sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Sa June 2022 Labor Force Survey ng PSA, lumitaw na mahigit sa 2.9 milyong Pilipino ang jobless. Karaniwan sa kanila ay galing sa mga maliliit na negosyo tulad ng retail online o direct sales.

Ayon sa Nagkakaisang Samahan ng Game Fowl Feed Millers at Agri-vet Suppliers, P19 bilyon ang kanilang industriya na napilay ng suspensiyon ng e-sabong.

Sa panig naman ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines, Incorporated (UACOOP), ang pinagsamang bilang ng mga full time at part time employed sa cockpit operation ay higit sa 1.5 milyon. Sa allied farm industry naman gaya ng feed millers at agri vet supplier ay may 265,000 na employed.

Ayon sa UACOOP, simula noong Mayo ay wala nang 10% sa mga ito ang natirang may trabaho.

Ang mga online betting stall na maraming workers sa kasagsagan ng popularidad ng e-sabong ay nawalan na rin ng trabaho.

Sa kasagsagan nito, ang e-sabong industry ay tinatayang makalilikom ng P650 million na kita kada buwan para sa PAGCOR.

Hindi bababa sa P1.37 billion ang nakolekta mula sa pitong licensed e-sabong operators mula January hanggang March 15, 2022.

Nang ipasara ang e-sabong, tinataya ng PAGCOR ang revenue loss na hanggang P5 billion para sa 2022.

PSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with